Sa 'Yo Lamang

Title: Sa 'Yo Lamang
Artist: Bukas Palad Music Ministry

Puso ko'y binihag Mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako'y Iyo habambuhay

Anhin pa ang kayamanan
Luho at karangalan
Kung Ika'y mapasa 'kin
Lahat na nga ay kakamtin

KORO:
Sa 'Yo lamang ang puso ko
Sa 'Yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima aking sumpa

Tangan kong kalooban
Sa Iyo'y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa 'Yo (KORO)

Audio:
Share:

0 Comments:

Post a Comment

Recent Posts

Blog Archive

Facebook Page