The Manila Cathedral

The Mother of all Churches, Cathedrals and Basilicas of the Philippines.

The EDSA Shrine

It is dedicated to Our Lady who has miraculously interceded to oust the dictatorship in a peaceful and bloodless uprising that is now world renowned as the People Power Revolution of 1986.

Nuestra Senora de Guia

Nuestra SeƱora de Guia (Our Lady of Guidance) in Ermita Church is the oldest Marian image in the Philippines.

Baclaran Church

The National Shrine of Our Mother of Perpetual Help in Baclaran, Paranaque, Philippines is the biggest shrine in the world dedicated to Our Mother of Perpetual Help.

Showing posts with label Tagalog. Show all posts
Showing posts with label Tagalog. Show all posts

Isang Panawagan para sa Pamamayani ng Awa at Ikapagbabago ng Bayan

PAMBANSANG ARAW NG PANALANGIN AT PAGSISISI NG BUONG SAMBAYANANG PILIPINO

Isang Panawagan para sa Pamamayani ng Awa at Ikapagbabago ng Bayan


Leader:

Panginoon naming Pastol, pakinggan Mo ang daing ng Iyong bayang Pilipinas na ngayo’y naglalakad sa lambak ng kadiliman. Lumalapit kami sa Iyo ngayong araw, nagpapakumbaba at nagmamakaawa, gaya ng isang tupang nahulog sa bangin, kumakapit nang mahigpit sa isang marupok na sanga, at humihingi ng saklolo.


All:

Iligtas Mo kami, Panginoon, sapagkat kami’y nalulunod!


Leader:

Tulad ng mang-aawit sa Salmo, dama naming kami’y lumulubog sa kumunoy (Awit 69:2), nilulunod ng baha ng katiwalian, gaya ni Propeta Jeremias na nabaon sa putik ng balon (Jer 38:6). Inaamin namin, O Panginoon, nang may durog na pusong nagsisisi, gaya ng panalangin ni Baruc:

“Kami’y nagkasala laban sa Panginoon, naging suwail, at hindi namin pinakinggan ang Kanyang tinig” (Bar 1:18–19). Kaawa-awa na ang naging kalagayan namin: ang mga magnanakaw ay nagmamayabang sa kanilang kayamanan, ipinangangalandakan ang magagarang sasakyan, mga alahas na milyonmilyong piso ang halaga, at mga nagpapasasa sa hapunang katumbas ng ilang taong sahod ng isang obrero. At kami rin, O Diyos, sa maliliit man o malalaking pagkukulang, ay naging dahilan ng paglaganap ng dilim:

—sa pag-aabot ng lagay sa fixer at sa pulis-trapiko,

—sa pagtanggap at pagpapalaganap ng kasinungalingan at pekeng balita,

—sa pagtanggap ng mga donasyon mula sa mandarambong at mapang-abuso,

—sa pananahimik sa harap ng kawalang-katarungan alang-alang sa kaginhawahan.

Patawarin Mo kami, Panginoon, sapagkat hinayaan naming ang masama ay maghari sa aming lipunan.


All:

Maawa Ka sa amin, O Diyos, ayon sa Iyong wagas na pag-ibig! (Awit 51:1)


Leader:

Nilulunod kami, Panginoon, ng mga kalamidad—baha, lindol, sunog, bagyo. Ngunit higit pa rito ang mga sugat na gawa ng aming sariling kamay: ang kahindik-hindik na mga insertions sa badyet na nagkait ng pondo para sa kalusugan, edukasyon, at kapakanan ng mga mahihirap; ang mga proyektong depektibo na humahadlang sa tunay na pag-unlad; ang mga pamilyang pulitiko na parang bagong mga pyudal na panginoon, na nagpapanatili sa bayan sa kahirapan at umaasa sa ayuda— isang bansang sagana sa buwis ngunit nananatiling dukha dahil sa pulitika ng pagpapatron.


All:

“Kung ang aking bayan na tinatawag sa aking pangalan ay magpapakumbaba, mananalangin,

hahanapin ang aking mukha at tatalikod sa kanilang masasamang gawa, diringgin ko sila mula sa

langit at pagagalingin ko ang kanilang lupain” (2 Cron 7:14). Pagalingin Mo ang aming bayan, O

Panginoon!


Leader:

Minsan Mong ipinahayag kung ano ang mabuti at hinihingi Mo sa amin: “ang gumawa ng katarungan, umibig sa awa, at lumakad nang mapagpakumbaba kasama Mo” (Mikas 6:8). Kami’y nabigo, ngunit hindi kami mawawalan ng pag-asa, sapagkat sinabi ni Apostol Pablo: “Ang pag-asa ay hindi nagbubunga ng pagkadismaya, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo” (Roma 5:5). Hindi Mo kami nilikha para sa kasamaan kundi para sa kabutihan; tinubos Mo kami at binihisan ng bagong pagkatao kay Kristo (Gal 2:20; Ef 4:24).


All:

Halina, Espiritu Santo, baguhin Mo ang mukha ng daigdig, baguhin Mo ang puso ng aming bayan! (Awit 104:30)


Leader:

Hipan Mo kami ng tapang na bumangon laban sa kasakiman at kapangyarihan, at gisingin Mo ang mas mataas naming udyok na kumalinga, magmalasakit, mahabag, at magmahal nang walang kondisyon. Hayaang ang kaligtasan ng pinakamahina, hindi lamang ng pinakamalakas, ang maging tanda ng aming pagkatao. Pagkalooban Mo kami ng lakas upang magtayo ng isang Pilipinas na puno ng katotohanan, katarungan, at habag.


All:

Ama, dinggin mo kami sa pamanagitan ni Kristong Anak mo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen

Mahal na Birhen ng Santo Rosario, aming Ina, sa iyong mga kamay ay aming ipinagkakatiwala ang mahal naming bayan.

Amen.



Share:

Espirituwal na Pakikinabang

Espirituwal na Pakikinabang

Aking Jesus, nananalig akong ikaw ay nananahan sa

Pinakabanal na Sakramento. Mahal kita nang higit

sa lahat ng bagay at nais kong tanggapin ka

sa aking kaluluwa. Subalit sa sandaling ito

ikaw ay hindi ko matatanggap sa Banal na Komunyon.

Nawa'y tanggapin kita nang espirituwal

sa aking pagnanais na ito at pumasok ka sa aking puso.

Niyayakap kita na parang naririto ka na sa akin

at pinagkakaisa ko ang aking sarili sa iyo.

Huwag mong hayaang ako ay mawalay sa iyo.

Amen.

Share:

Angelus (Tagalog)

Angelus

V. Binati ng Anghel ng Panginoon si Maria

R. At siya'y naglihi, lalang ng Espiritu Santo.

Aba Ginoong Maria...

V. Narito ang alipin ng Panginoon.

R. Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo.

Aba Ginoong Maria..

V. At ang Verbo ay nagkatawang tao.

R. At nakipanayam sa atin.

Aba Ginoong Maria..

V. Ipanalangin mo kami

Santang Ina ng Diyos.

R. Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristo.


Manalangin Tayo:

Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa ng iyong

mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng anghel ay nakilala namin

ang pagkakatawang tao ni Kristong Anak mo, pakundangan sa mahal na pasyon at

pagkamatay niya sa krus, pakinabangan namin ang biyaya ng kanyang pagkabuhay

na mag-uli sa kaluwalhatian ng Langit. Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon

namin. Amen.

Share:

Aba Po Santa Mariang Reyna

Aba Po Santa Mariang Reyna


Aba Po Santa Mariang Reyna,

Ina ng awa, ikaw ang kabuhayan,

pag-asa't katamisan,

aba pinananaligan ka namin.

lkaw ang tinatawag namin,

pinapanaw na anak ni Eva.

lkaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga

namin sa aming pagtangis dini

sa lupang bayang kahapis-hapis.

Ay aba pintakasi ka namin,

ilingon mo sa amin

ang mga mata mong maawain,

at saka kung matapos

yaring pagpanaw sa amin,

ipakita mo sa amin

ang iyong anak na si Jesus.

O magiliw, mahabagin,

matamis na Birheng Maria.


Share:

Halina Espiritu Santo

Halina Espiritu Santo

Halina Espiritu Santo,

lkaw ang unang handog ni Jesus

nang muli siyang mabuhay.

Ikaw ang sinugo Niya upang gabayan kami

sa aming pang-araw-araw na pamumuhay

bilang mga alagad niya.

Halina sa amin, Espiritung banal.

Punuin mo kami ng lyong liwanag,

pagmamahal at lakas

upang isagawa namin

ang mga balak ni- Jesus

para sa aming kapaligiran.

Pumasok ka sa puso ng lahat 

upang maunawaan nila

ang kanilang mga tawag

bilang Kristiyano at nang sa gayon

ay sabay-sabay naming maitayo 

ang Kaharian ni Jesus.

Amen.

Share:

Panalangin Para Sa Pangangailangan Kay Jesus Nazareno de Quiapo

Panalangin Para Sa Pangangailangan Kay Jesus Nazareno de Quiapo

Hesus Nazareno, sa sinag ng liwanag mula sa iyong ulo, ang iyong pagkabuhay ay sumilay sa aming pagdarasal. Kawaan mo kami at nawa'y pagbigyan sa aming mga kahilingan, sapagkat kami'y lubos na nagtitiwala na iyong ipagkakaloob ang aming mga ipinakikiusap na mga pangangailangan ng aming katawan at kaluluwa, lalung-lalo na ang biyaya na aming idinadalangin (Bigkasin ng tahimik ang iyong kahilingan).

Kami ay lubos na nagtitiwala na iyong ipagkakaloob ang  aming kahilingan, sapagkat iyong ipinahayag na - "Humingi kami at Iyong Ipagkakaloob". Sa laki nng aming pananalig sa Iyo ay hindi nabibigo, kaya nga Iyong ninanais na kami ay magtitiwala ng lubos sa iyong paglingap, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Share:

Aba Ginoong Maria (Hail Mary)

Aba Ginoong Maria (Hail Mary)

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.


Share:

Ama Namin (Our Father)

Ama Namin (Our Father)

Ama Namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.
Share:

Sumasampalataya Ako (Apostle's Creed)

Sumasampalataya Ako (Apostle's Creed)

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
Sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal;
Sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao,
At sa buhay na walang hanggan.  Amen.
Share:

Espirituwal Na Pagtanggap Ng Komunyon

Espirituwal Na Pagtanggap Ng Komunyon

Aking Hesus, nananalig akong ikaw ay nananahan
sa Pinakabanal na Sakramento.
Mahal kita nang higit sa lahat ng bagay,
at nais kong tanggapin ka sa aking kaluluwa.
Subalit sa sandaling ito ikaw ay hindi ko
matatanggap sa Banal na Komunyon.

Nawa’y tanggapin kita nang espirituwal
sa aking pagnanais na ito at pumasok ka sa aking puso.
Niyayakap kita na parang naririto ka na sa akin,
at pinagkakaisa ko ang aking sarili sa iyo.
Huwag mong hayaang ako ay mawalay sa iyo.
Amen.
Share:

Panalangin Para Sa Kapayapaan

Panginoon, sa panahon ng pangangailangan ay humihingi kami ng tulong bunga ng aming pagkamulat sa nagbabantang pagkawasak ng kapaligirang ipinagkaloob Ninyo sa amin, bunga ng malawakang paglalaban ng ideolohiya sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pagkalooban Ninyo kami ng sapat na lakas upang maipalaganap ang kabutihan, katarungan, pagmamahalan, at kapayapaan.

Sa gitna ng labanan, ituro Ninyo sa amin ang pagtutulungan;

sa kasaganaan, ang pagbibigayan;

sa karalitaan, magkaroon po sana ng maayos na pamumuhay.

Kung mangingibabaw ang pagkamakasarili, ituro Ninyo sa amin ang kababaang-loob; sa kawalan ng katarungan, matutunan sana namin ang pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos.

Kung may di pagkakaunawaan, magkaroon po sana ng pagkakasundo at pagkakaisa;  sa kawalan ng pag-asa, maihatid po sana namin ang Mabuting Balita.

Turuan Mo kaming kumalinga sa halip na kalingain; maglingkod sa halip na paglingkuran.  Huwag po sana kaming maghangad ng karangyaan at punuin Ninyo kami ng Inyong pag-ibig at kaluwalhatian.

Pahintulutan Ninyo kaming maging katulad Ninyo sapagkat sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan ang tunay na kahulugan ng buhay na makapagbibigay sa amin ng bagong pag-asa. 

Amen.

O Maria, Reyna ng Kapayapaan.
Ipanalangin Mo kami.
Share:

Oratio Imperata Para Sa COVID-19

ORATIO IMPERATA PARA SA COVID-19

Makapangyarihan at mapagmahal na Ama,
nagsusumamo kami sa iyo upang hilingin
ang iyong patnubay laban sa COVID 19
na nagpapahirap sa marami at kumikitil na ng mga buhay.

Gabayan mo ang mga dalubhasang naatasan
na tumuklas ng mga lunas at paraan
upang ihinto ang paglaganap nito.

Patnubayan mo ang mga lumilingap sa maysakit
upang ang kanilang pagkalinga ay malakipan
ng husay at malasakit.

Itinataas namin ang mga nagdurusa.
Makamtan nawa nila ang mabuting kalusugan.
Lingapin mo rin ang mga kumakalinga sa kanila.
Pagkamtin mo ng kapayapaang walang hanggan ang mga
pumanaw na.

Pagkalooban mo kami ng biyaya na magtulong-tulong tungo
sa ikabubuti ng lahat.
Pukawin mo sa amin ang pagmamalasakit sa mga nangangailangan.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.

Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos.
Pakinggan mo ang aming mga kahilingan sa aming
pangangailangan at ipagadya mo kami sa lahat ng kasamaan,
maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen.

Mahal na Birhen, mapagpagaling sa maysakit,
ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

Share:

Recent Posts

Powered by Blogger.

Facebook Page