Panalangin Para Sa Kapayapaan

Panginoon, sa panahon ng pangangailangan ay humihingi kami ng tulong bunga ng aming pagkamulat sa nagbabantang pagkawasak ng kapaligirang ipinagkaloob Ninyo sa amin, bunga ng malawakang paglalaban ng ideolohiya sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pagkalooban Ninyo kami ng sapat na lakas upang maipalaganap ang kabutihan, katarungan, pagmamahalan, at kapayapaan.

Sa gitna ng labanan, ituro Ninyo sa amin ang pagtutulungan;

sa kasaganaan, ang pagbibigayan;

sa karalitaan, magkaroon po sana ng maayos na pamumuhay.

Kung mangingibabaw ang pagkamakasarili, ituro Ninyo sa amin ang kababaang-loob; sa kawalan ng katarungan, matutunan sana namin ang pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos.

Kung may di pagkakaunawaan, magkaroon po sana ng pagkakasundo at pagkakaisa;  sa kawalan ng pag-asa, maihatid po sana namin ang Mabuting Balita.

Turuan Mo kaming kumalinga sa halip na kalingain; maglingkod sa halip na paglingkuran.  Huwag po sana kaming maghangad ng karangyaan at punuin Ninyo kami ng Inyong pag-ibig at kaluwalhatian.

Pahintulutan Ninyo kaming maging katulad Ninyo sapagkat sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan ang tunay na kahulugan ng buhay na makapagbibigay sa amin ng bagong pag-asa. 

Amen.

O Maria, Reyna ng Kapayapaan.
Ipanalangin Mo kami.
Share:

0 Comments:

Post a Comment

Recent Posts

Facebook Page