Aba Po Santa Mariang Reyna

Aba Po Santa Mariang Reyna

Aba Po Santa Mariang Reyna,
Ina ng awa, ikaw ang kabuhayan,
pag-asa't katamisan,
aba pinananaligan ka namin.
lkaw ang tinatawag namin,
pinapanaw na anak ni Eva.
lkaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga
namin sa aming pagtangis dini
sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay aba pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin
ang mga mata mong maawain,
at saka kung matapos
yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin
ang iyong anak na si Jesus.
O magiliw, mahabagin,
matamis na Birheng Maria.
Share:

0 Comments:

Post a Comment

Recent Posts

Facebook Page