Angelus (Tagalog)

Angelus

V. Binati ng Anghel ng Panginoon si Maria

R. At siya'y naglihi, lalang ng Espiritu Santo.

Aba Ginoong Maria...

V. Narito ang alipin ng Panginoon.

R. Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo.

Aba Ginoong Maria..

V. At ang Verbo ay nagkatawang tao.

R. At nakipanayam sa atin.

Aba Ginoong Maria..

V. Ipanalangin mo kami

Santang Ina ng Diyos.

R. Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristo.


Manalangin Tayo:

Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa ng iyong

mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng anghel ay nakilala namin

ang pagkakatawang tao ni Kristong Anak mo, pakundangan sa mahal na pasyon at

pagkamatay niya sa krus, pakinabangan namin ang biyaya ng kanyang pagkabuhay

na mag-uli sa kaluwalhatian ng Langit. Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon

namin. Amen.

Share:

1 comment:

Recent Posts

Facebook Page