Halina Espiritu Santo

Halina Espiritu Santo

Halina Espiritu Santo,

lkaw ang unang handog ni Jesus

nang muli siyang mabuhay.

Ikaw ang sinugo Niya upang gabayan kami

sa aming pang-araw-araw na pamumuhay

bilang mga alagad niya.

Halina sa amin, Espiritung banal.

Punuin mo kami ng lyong liwanag,

pagmamahal at lakas

upang isagawa namin

ang mga balak ni- Jesus

para sa aming kapaligiran.

Pumasok ka sa puso ng lahat 

upang maunawaan nila

ang kanilang mga tawag

bilang Kristiyano at nang sa gayon

ay sabay-sabay naming maitayo 

ang Kaharian ni Jesus.

Amen.

Share:

0 Comments:

Post a Comment

Recent Posts

Facebook Page